I. LAYUNIN
Naibibigay ang kahulugan ng antas o pitch.
Napapangalanan ang mga antas o pitch sa limguhit.
Nailalapat sa limguhit ang mga antas na batay sa salitang Ingles.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Antas o Pitch
B. Kagamitan: aklat, iskor ng musika, music pad, lapis na may pambura
C. Sanggunian: MAPEH I nina Vilma V. Perez at mga kasamahan, pp. 6-8.
III.PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Balik-aral: Natapos na natin ang talakayan tungkol sa kahulugan ng musika, mga uri ng tunog at ang mga pinagmumulan ng musika. Bago tayo magpatuloy, magabalik-aral muna tayo. Magtungo sa link na ito:
B. Presentasyon at Talakayan
Ang antas o pitch ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng mga sukat sa isang awitin. Ang mga antas ng tono sa limguhit ay pinapangalanan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. G-Clef o Treble Staff
Unang Guhit - E
Pangalawang Guhit - G
Pangatlong Guhit - B
Pang-apat na Guhit - D
Panglimang Guhit - F
Unang Puwang - F
Pangalawang Puwang - A
Pangatlong Puwang - C
Pang-apat na Puwang - E
Ang pangalan ng mga linya ng limguhit ay madaling matatandaan sa pamamagitan ng sumusunod na pangugusap: Every Good Boy Does Fine
Ang pangalan ng mga puwang sa limguhit ay madali namang maaalala sa pamamagitan ng sumusunog na pangungusap sa Ingles: Father Always Come Early
2. F-Clef o Bass Cleff
Unang Guhit - G
Pangalawang Guhit - B
Pangatlong Guhit - D
Pang-apat na Guhit - F
Panglimang Guhit - A
Unang Puwang - A
Pangalawang Puwang - C
Pangatlong Puwang - E
Pang-apat na Puwang - G
Ang mga guhit sa limguhit ay madaling matatandaan kung makakabisa ang sumusunod na pangungusap:
a. Para sa mga linya: Good Boy Don't Forget Anything
b. Para sa mga puwang: All Cows Eat Grass
Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na ito:
IV.PAGSUSUBOK
V.KASUNDUAN